Favorite na araw ko ang Monday kasi ito ang araw bago and restday ko,kapag Monday excited akong pumasok kasi alam kong kinabukasan pahinga ko na.Kahapon kasi nga Monday ang taas ng powers ko pagpasok sa trabaho ko,pagdating ko sa isa kong outlet inayos ko agad ang mga stock ko,tinanggal ko ang mga kalaban kong tissue(hehe,gnyan talaga dito sa work namin e,hindi pwedeng magpatalo sa kalaban) and then pagkatapos kong mangtanggal ng mga product ng mga kalaban umalis na ko at lumipat sa mga sumunod kong outlet sked.Yess!!!12:00 na oras na para bumalik ng Lucena,uuwi muna ko sa amin,tuwing tanghali kasi nauwi muna ako sa amin para magpalit ng damit at saka magbawas ng mga gamit na dala ko,actually kasi ang rota ko sa umaga e sa Lucban,isang oras na byahe ang layo sa Lucena pero 4hours lang ang sked ko dun,tapos sa hapon sa Pagbilao nman ako,siguro mga isang oras at kalahati ang byahe muka sa Lucban,malayo ang pagitan ng rota ko,pero ok lang sa akin kasi enjoy naman ako sa byahe e,at saka sanay na din ako na araw araw akong nabyahe,dati nga mas malayo pa dun ang nirorotahan ko,kung tutuusin mas magaan gaan pa nga ngayon ang rota ko e.Habang nasa byahe ako kahapon pababa ng Lucena biglang nagtext sa akin ang boss ko ito ang usapan namin
Boss: off ka ba bukas?
Ako:opo,hindi naman po nagbago sked q dba?
Boss:ah kala ko papasok ka,kasi absent ka nung sat.kala q change off ka.
Ako:ay hindi po,absent po talaga un,kakahiya naman po sa agency kung ichachange off ko,lgi po kc me my chnge off dba?
Boss:ah ok,wala pala aabutan c ella bukas na diser,off kau..(c ella sya ang ung isa pang coordinator namin)
Ako:cna ate doris po at sam dba po hnd nila off bukas?(c doris at sam nman ung mga partner na diser ko dito sa quezon)
Boss:oo,sm at gaisano lng pala my diser na aabutan,madami pa nman ung dalang po p's at tape bukas.(hay sc boss talaga,sabihin mo na lng kaya ng diretso na wag na kong mag day off bukas,dami mo pang pasakalye e,,)
Ako:ah gnun po ba,cge po,pasok na lang ako ng umaga sa Pagbilao,para po magpangabot kami,(hay,magiging halfday lang off ko)
Boss:e sa lucban nga nya gustong pumunta,kasi gusto daw nyang makita ung kamay ni hesus(sikat ang lucban dahil andito ang Kamay ni Hesus shrine,madaming nadyong turista dito lalo na pag mahal na araw)
Ako:ah ganun po b?cge po papasok na lang din po ako dun bukas,gusto ko rin naman pong mgkta kmi ni mam Ella e,kc hihingi po akong payslipt ska remind ko din po na March 16 ang endo ko.(hayy,nku walang off)
Boss:sige2x,text mo sa kanya,para makapagdala sya ng bagong contract mo.cge tnx ha,bukas na lang,(yun na lng yun,kainis!!gusto lng pala kong ppasukin bukas pinahaba pa ang usapan)
Ako:cge po mam,txt ko na lng.
hay,kainis gustong gusto ko pa namng mag off,pero ok na din para naman mabayaran ko ung absent ko nung sat.
Paguwi ko ng bahay,kumain ako at nagpalit lang akong damit,tapos nagbyahe na ako papunta sa sunod kong outlet,pagpasok ko sa loob ng outlet,display dito,linis dyan,habang iniicp ko kung pano ko makkpg off bukas.Dumating ang 6pm,uwian na!!!pag uwi ko sa amin tnext koc mam Ella,
Ako:mam remind ko lng po na endo ko na sa March 16,tnx po
Mam ella:ok,pkiprepare ng gamit mo pang shelve dress up bukas ha,tnx
Ako:mam restday ko po bukas,(haha,sana makalusot,sana wag nya akong papasukin)
Mam ella:ngek!!restday mo pala,cge iwan ko n lng kay boss mo bukas ung sau,
Ako:(tuwang tuwa,yehey,hindi ako pinapapasok)ah cge po mam,salamat po,kay boss nyo na lng din po iwan pati payslipt ko,tnx po
Mam ella:ok donna,
Yesssss!!!!makakapag day off na ko bukas,muntik nang hindi,,hahaha, at yun na nga un,hahaha,gusto ko lang naman talagang ishare kung anong nangyari kahapon e,kasi wala akong ibang maisip para sa blog kong ito.....
diser-side
Lunes, Marso 7, 2011
Biyernes, Marso 4, 2011
diser
diser....ano nga ba ang diser????kami lang naman ang mga taong makikita mo sa mga supermarket o grocery stores na nagdidisplay,nagiinventory,naglilinis ng mga shelves at nagpapaganda ng mga shelves para umangat ang ganda ng hinahawakan naming produkto kaysa sa iba.Bawat isang diser my kanya kanyang kumpanyang humahawak,tulad ko,isa akong diser ng isang tissue company,1year and 8 months na ko dito sa company namin,roving diser aq,meaning hindi sa isang grocery lang ako pumupunta,sa ngayon limang account lang ang hawak ko,pag minsan sa isang araw tatlo ang pinupuntahan ko pag minsan naman apat,depende kung ano ang sked na binigay sa akin ng boss ko at depende din sa pangangailangan sa akin ng acoount.Masaya namang maging diser,kasi sa araw araw madami kaming nakakasalamuhang tao,madaming nakikilala at may thrill araw araw(may thrill kasi hindi ko alam kung ilang costumer na naman sa store ang magsusunget),,hahaha,joke lang yun ha,anyways ito na muna sa ngayon,gusto ko lang ksi munang malaman nyo kung ano talaga ang isang diser..hahaha,mamiminaw muna ko ng sinampay namin.........
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)