Biyernes, Marso 4, 2011
diser
diser....ano nga ba ang diser????kami lang naman ang mga taong makikita mo sa mga supermarket o grocery stores na nagdidisplay,nagiinventory,naglilinis ng mga shelves at nagpapaganda ng mga shelves para umangat ang ganda ng hinahawakan naming produkto kaysa sa iba.Bawat isang diser my kanya kanyang kumpanyang humahawak,tulad ko,isa akong diser ng isang tissue company,1year and 8 months na ko dito sa company namin,roving diser aq,meaning hindi sa isang grocery lang ako pumupunta,sa ngayon limang account lang ang hawak ko,pag minsan sa isang araw tatlo ang pinupuntahan ko pag minsan naman apat,depende kung ano ang sked na binigay sa akin ng boss ko at depende din sa pangangailangan sa akin ng acoount.Masaya namang maging diser,kasi sa araw araw madami kaming nakakasalamuhang tao,madaming nakikilala at may thrill araw araw(may thrill kasi hindi ko alam kung ilang costumer na naman sa store ang magsusunget),,hahaha,joke lang yun ha,anyways ito na muna sa ngayon,gusto ko lang ksi munang malaman nyo kung ano talaga ang isang diser..hahaha,mamiminaw muna ko ng sinampay namin.........
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento